Tuesday, January 7, 2014

Pasig City - Dermcare

Jan. 5. 2014

Nakapurchased ang kapatid ko ng voucher ng Dermcare from Metrodeal. Nagpa schedule kami ng diamond peel with facial for just Php299.00. Dahil hindi pede ang sabay sabay na treatment sa amin, 10, 11 and 12 AM ang naging schedule namin. This was my 2nd time availing a diamond peel, the first was with Mendez in Market Market na hindi ko na inulit dahil una masakit ang facial nila ang bigat ng kamay ng staff, parang nagkaroon pa ng mark sa may tabi ng ilong ko yung ginawang pag scratch nila (yun kasi ang pakiramdam). 2nd hindi maganda yung naging service sa amin. With Dermcare it was different, mae experience mo yung buong treatment talaga as if you paid a regular price. Bakit? Kasi nakailang beses ng bili ng vouchers ang kapatid ko sa kanila after maubos ang vouchers regular naman ang ni avail nya at same lang ang procedure na ginawa. So naka-save ka talaga sa kanila, ramdam mo ika nga yung discount na bigay nila although sa SM Pasig nga lang yung branch na na avail nya dati. This time na branch was in Pasig  Blvd. cor. Lake view malapit sa Rizal Medical Center. The same treatment/procedure walang bawas sa service :). Unang step. Pinaghilamos muna kami ng mukha using facial wash. 2nd, Nagagay sila ng cream then steamer, pricking na ang tagal kasi mejo marami akong butlig sa noo ng panahon na yun haha. Pulang pula tuloy ang noo ko pero keribels lang. Lagay ulit ng cream,  pagkatapos vacuum nila mukha and then Diamond Peel naman. Matagal yung naging service nila unlike sa Mendez saglit lang, wag lang masabing hindi pinasadahan ang mukha. And then vacuum na naman, then yung additional availment ko na facial mask (collagen) worth Php150.

All in all, I'm very satisfied with the service :-)